Sunday, August 29, 2010

paniwalang apostasiya ng INC: Ilusyon lamang

Ang Iglesia ni Cristo ay naniniwalang ang iglesyang itinatag ni Hesus noong kapanahunan Niya ay inabandona ng mga sinaunang Kristyano dahil sila ay na-apostasiya. Ang apostasiya, ayon sa kanila, ay "ang pagtalikod sa pananampalataya"(1). Dahil sa mga bulaang propeta, wala, ni isa, ang natira sa tunay na iglesyang itinatag ni Kristo. Ang mga bulaang propeta na ito ay pinaniniwalaan nilang mga Katoliko ngayon(1)(2). Dagdag pa dito, ang apostasiya ay nangyari noong kapanahunan ng mga apostol mismo (2Pedro 2:1).(3)

Pero tama ba ang pagkakagamit ng INC sa ikalawang Pedro?

Bakit nila ini-interpret ang 2 Pedro 2:1 na ang apostasiya ay nangyari sa kapanahunan ng mga Apostol? Kasi nga po nasa utak nila ang ilusyon ng apostasiya. Alisin ang ilusyon, basahin ang bibliya at malalaman nating wala po tayong mababasa na nagpapahiwatig ng apostasiya maski sa mga sumunod na talata ng 2 Pedro 2:
1Ngunit nagkaroon ng mga bulaang propeta sa gitna ng mga tao. Gayundin naman may lilitaw ring mga bulaang guro sa inyo. Lihim nilang ipapasok ang mga nakakasirang maling katuruan. Ikakaila rin nila ang naghaharing Panginoon na bumili sa kanila. Inilalagay nila ang kanilang sarili sa biglang kapahamakan. 2Marami ang susunod sa kanilang mga gawang nakakawasak. Dahil sa kanila, pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. 3Sa kanilang kasakiman ay makikinabang sila dahil sa inyong mga salapi sa pamamagitan ng gawa-gawang salita. Ang hatol sa kanila mula pa noon ay hindi na magtatagal at ang kanilang pagkalipol ay hindi natutulog. (NIV)(4)

Sinabi lang na may mga guro na magdadala ng mga nakasisirang maling turo, pero sinabi bang ma-a-apostasiya ang lahat ng Kristyano? Pasensya na pero wala pong binanggit ang 2 Pedro na ganyan. Pero dahil po matagal nang nakabaon sa utak ng INC ang ilusyon ng apostasiya, ganoon nga ang nakikita nila sa mga talata.

Kung babasahin nga ang verse 9, makikita nating kontra ang INC dito. Ano ba ang sabi?
"Alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga sumasamba sa Diyos. Alam din niya kung paanong ilaan ang mga hindi matuwid para sa araw ng paghuhukom upang sila ay parusahan."
Malinaw na sinabi na alam ng Panginoon kung sino ang tapat sa Kanya, na bagamat noong unang panahon pa man ay makasalanan na ang tao, meron Siyang mga iniligtas tulad ni Noe, ang pito niyang kasama (v.5) at Lot (v.7) dahil sila ay matuwid. Sila ay mga iniligtas dahil sila ay tapat sa Panginoon.

Pero sinabi bang walang naging tapat sa Kanya, kahit isa? Ang sabi lang sa verse 10, parurusahan yung mga sumunod sa pita ng laman.
"Inilaan niya sa kaparusahan lalo na ang mga lumalakad ayon sa laman sa pagnanasa ng karumihan at lumalait sa mga may kapangyarihan."
Pero sinabi bang lahat sila ay sumunod sa pita ng laman? Pasensya na po kaso wala pong ganoon, INC.

Pero teka, meron bang ispesipiko o partikular na mga tao na tinutukoy diyan sa talata? Meron po. Sa susunod na chapter po mababasa natin na ang mga mangangaral na iyan ay yung mga hindi naniniwalang muling magbabalik ang Panginoong Hesukristo!
2Pedro 3:4 "Kanilang sasabihin: Nasaan ang katuparan ng pangako ng kaniyang pagparito? Ito ay sapagkat natulog na ang ating mga ninuno ngunit ang lahat ay nananatili pa ring gayon simula pa ng paglalalang."(5)

Muli, ano nga ang paniwala ng INC tungkol sa mga bulaang propeta? Yung mga bulaang propeta daw ay mga Katoliko. Kaso malinaw sa Chapter 3 verse 4 na ang mga bulaang propeta ay yung mga hindi naniniwala sa muling pagdating ni Kristo.

Pasensya na INC, kaso naniniwala po kami na dadating ang Panginoong HesuKristo. Ayon sa Apostles' Creed, ang aming pagpapahayag ng pananampalataya:

He descended to the dead.
On the third day, He rose again.
He ascended to Heaven and is seated at the right hand of the Father.
He will come again to judge the living and the dead. (6)

So INC, malinaw na niloloko niyo lang ang mga tao sa pamamagitan ng inyong KA-IGNORANTEHAN sa kung anong pinaniniwalaan namin.

Ipagmapilitan bang kami daw yung tinutukoy sa talata?

PANLOLOKO po iyan, INC.

Ang ideya ng apostasiya ay nag-e-eksistido lamang sa mga utak niyo. Ito'y isang ilusyon lamang. Pero ang totoo, wala naman talagang apostasiyang nangyari noong kapanahunan ng mga apostol.

Tigil-tigilan niyo po ang ilusyong pilit niyong ipinapakain sa amin, INC. Hindi po tugma sa realidad ang paniwala niyo.

References:
(1) http://pinoyexchange.com/forums/showpost.php?p=47616523&postcount=43
(2) http://pinoyexchange.com/forums/showpost.php?p=48511765&postcount=2
(3) http://pinoyexchange.com/forums/showpost.php?p=47663285&postcount=72
(4) http://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20peter%202&version=SND
(5) http://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20peter%203&version=SND
(6) http://www.catholicplanet.com/catholic/creed.htm

No comments:

Post a Comment