Sunday, October 16, 2011

John 17:3 at ang Trinity

Iglesia ni Cristo (INC): tinatanggap mo ba ang sabi ni Cristo sa Juan 17:1,3 na "Ama.. IKAW ay makilala nilang IISANG TUNAY NA DIYOS." tinatanggap mo ba yan? WALA namang sinabi si Cristo na PATI AKO, tayong tatlo ng Espiritu Santo.. wala nun

KATOLIKO: oo tinatanggap ko. bibliya yan e. bakit may pagtatalo ba? wala naman a. Kaso ang hindi ko tinatanggap, e yung UNAWA mo dyan sa talata.

Bakit kanino ba tumutukoy yung salitang "NATATANGI", dun sa Ama o sa Diyos?

Ano pa e di sa DIYOS

John 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang TANGING DIYOS na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo.

hindi naman sinabi: Ang makilala ka nila, ang tanging Ama na totoo..

ibig sabihin dun ni Hesus totoo at natatangi ang Diyos na kung ano ang Ama. Ibig sabihin, nag-iisa lang ang Diyos. Walang sinabing nag-iisa lang ang Ama sa pagka-Diyos.

INC: TSK2, ano ba ang pagkaintindi mo sa IISANG Dios na tunay? sinabi ni Cristo sa Ama na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY. Sino ba ang ipinakilala ni Cristo na IISANG DIYOS NA TUNAY?

KATOLIKO: e di yung Diyos iisa lang at tunay. Ang Diyos, iisa lang na kung ano ang Ama, Anak, at Espiritu Santo

INC: wala namang sinabi c Cristo na Ako ay makilala nilang IISANG Diyos na tunay. o di kaya'y ang Espiritu Santo ay iiang Dios na tunay.

KATOLIKO: oo nga, kasi nga ipinakikilala nya ang Ama bilang Diyos. Wala naman sinabi si Hesus na tinanggi niya pagka-Diyos nya dun e

INC: Sino nga ang Diyos na IISA AT TUNAY kasi binanggit dun ni Cristo ehh.. ang tinutukoy ng salitang IKAW... sino ba yun?

KATOLIKO: e di yung Ama. kasimple e. Kaso lang hindi yan ang tanong. Ang tanong, yung IISA at TUNAY ba, para sa Diyos o para sa Ama?

INC: may binaggit ba si Cristo na pati Siya ay IISANG DIYOS NA TUNAY?

KATOLIKO: wala, kasi nga ang Ama ang ine-empahsize ng talata hindi Siya. Oo walang binanggit dun na si Kristo ay iisang Diyos na tunay, pero sa ibang talata meron.

INC: ayun.. para sa Ama ang IISANG DIYOS NA TUNAY kaya nga sinabi ni Cristo IKAW (AMA) ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY kasi IISA lang ang Ama na Siyang Diyos na TUNAY.

KATOLIKO: ngak. san sinabi: "ikaw, ang nag-iisang Ama lamang, ay Diyos na tunay?"

di mo kasi gets, yung IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, yun ang katangian ng Diyos na kung [ano ang] Ama, kung ano ang Anak, at ano ang HS

INC: himayin natin, yun bang Cristo na nagsalita ay iba sa Diyos (AMA) na kinakausap Niya? Anong talata ba ang may binanggit na TUNAY NA DIYOS SI CRISTO.

KATOLIKO: si Kristo ay kapareho sa pagka Diyos ng Ama. Iba lang Siya sa Ama.

INC: hahaha.. ang labo. pareho sa pagka Diyos sa Ama pero IBA sa Ama? ipaliwanag mo nga yan..

KATOLIKO: ipinaliwanag ko na yan.

Yung Ama Anak Espiritu Santo mga persona ng Diyos yon.

Diyos= 1 being = 3 persons

yung persona ni Kristo iba sa persona ng Ama. pero iisa pa rin silang Diyos

INC: ano, HINDI YUN TUMUTUKOY SA AMA? uulitin ko, sino ba ang tinutukoy na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY? sino?

KATOLIKO: di pa rin gets. eto

yung "IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY" tumutukoy yun sa Ama

pero yung salitang IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama

INC: simple arithmetic, pang grade 1.. 1Diyos Ama+ 1Diyos Anak+ 1DiyosHS= ???

anong talata mababsa na iisang Diyos lagn si Cristo at ang Ama?

KATOLIKO: o e diba pinaliwanag ko na yan. problema niyo yang mga inc.

Kasi nga sa palagay nyo, 1 being= 1 person

sa palagay nyo lang iyon. kaya di nyo magets ang trinity, kasi meron kayong ipinagpapalagay

Diyos namin hindi namin iniintindi sa pamamagitan ng arithmetic. kinikilala namin siya at yun na ang matagal na pagkakakilanlan sa Kanya. Trinitarian.

kayo ano ba ang Diyos niyo? ina aritmetic aritmetic lang ba yang Diyos niyo na yan?

INC: ahahaha... sino ba ang IISANG DIYOS NA TUNAY?

KATOLIKO: e di yung Ama, Anak, at Espiritu Santo

INC: talaga namang magkaiba yun, nung nagsalita c Cristo narito Siya sa lupa, ang Ama naman nandun sa langit. Paanong hindi magkaiba yan?

hindi talaga magets kac kahit mga papa ninyo aminadong mismo cla ay hindi maintindihan yang aral ninyo. ang sabi sa isa ninyong aklat maiintindihan lang daw ang trinidad kung ang DIYOS saw MISMO ang magpakita.. owwws, ehh hindi naman nakikita ang Diyos ehhh.. hindi talaga yan maiintindihan.

KATOLIKO: oo nga, magkaiba naman talaga e, magkaiba sa Persona, hindi sa pagka-Diyos.

Baka namali ka lang ng UNAWA sa mga sinasabi ng Papa, di ko na problema yun. It's your ministers' problem

INC: saan mo mababasa na ang IISANG TUNAY NA DIYOS ay ang AMA, ANAK, AT HS.?

KATOLIKO: ah, hiwa hiwalay yan brad. Eto yan e:

walang pagtatalo na Diyos ang Ama,

pero sa ibang talata Diyos si Kristo

sa ibang talata Diyos rin ang Espiritu Santo

pero iisa pa rin ang Diyos.

ano resulta? tinuturo ng bibliya ang Trinitarian

INC: yun talaga ang sabi ng papa. kahit daw ang pinakabanal na Santo ay hindi makakagpaliwanag diyan..

KATOLIKO: as i've said, it's a problem with your and your ministers' preaching.

INC: imbento nyo lang kasi ang doktrinang yan. granting na walang mababasa letra por letra na ang Diyos ay may 3 persona, anong talata ba ang naging batayan ninyo sa doktrinang yan?

KATOLIKO: wow wow wow at kami pa ang nag-imbento ha. nako bago pa dumating si Felix Manalo, may mga naniniwala nang hindi Diyos si Kristo, sila yung mga napahiwalay sa tunay na Iglesia. Ang tunay na Iglesia kasi Trinitarian

INC: bigyan mo ako ng mga talata na magpapatunay na 3 persona ang Diyos? ang Diyos walang kamatayan, c Cristo namatay. c Cristo at ang HS ang pawang isinugo lamang ng Ama. isa pa, 7 ang Espiritu Santo kaya dapat sana Nonidad ang doktrina ninyo, hindi Trinidad.

KATOLIKO: kung ipinakilala ng bibliya na si Kristo Diyos, kaso iba siya sa Ama, e di dalawa na agad Persona ng Diyos. Hindi dumoble pagka-Diyos nya ok, yung Persona lang.

hindi na kailangan basahin letra por letra yung pormula ng trinity. Basta ang sabi sa bibliya, ang Ama Diyos, si Kristo Diyos, ang Espiritu Santo Diyos. tapos usapan bro.

INC: yun nga, hindi kailangan letra por letra pero wala namang mababsa sa biblia na Espiritu santo ay Diyos. yung patungkol kay Cristo na Diyos daw c Cristo, maling pagkaunawa lang ng talata yun.

KATOLIKO: pag-isipan mo muna lahat ng napag-usapan natin. Sige may klase pa ako. Balikan kita.

INC: hindi ko talga maintindihan.. ok,

magbigay ka ng talata na magiging basehan mo na may trinidad..

KATOLIKO: uo maghintay ka at babalikan kita.

Ama lang ang persona ng Diyos ayon sa John 17:3?

Sa Iglesia ni Cristo o INC, naniniwala silang Ama lang ang nag-iisang persona ng Diyos. Hindi nila kinikilala bilang ikalawa at ikatlong persona ng Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo, samakatuwid, hindi sila Diyos na kapantay ng Ama (hindi rin nila ginagamit ang salitang “Persona,” wala iyon sa bokabularyo ng kanilang paniniwala). John 17:3 ang kanilang batayan: “Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

“Dahil iisa lang ang Ama at iisa lang ang Diyos na tunay, ibig sabihin Ama lang ang Diyos! Hindi sinabi diyan na ‘ikaw Ama at Ako at ang Espirtu Santo ang iisa at tunay na Diyos!’,” ganu’n ang pagdadahilan ng INC ayon sa John 17:3.

Iisa at tunay na Diyos

Ngunit pansining mabuti ang talata. Ang sinabi ni Kristo, “ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos…” Hindi niya sinabing “nag-iisa ka lang Ama, ang tunay na Diyos,” na siyang gustong palabasin ng INC. Ano ang ibig sabihin nito?

Sa sinabi ni Kristo na “ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos,” ang mga salitang “IISA” at “TUNAY” ay tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, ipinakikilala lamang ni Kristo ang persona ng Ama bilang Diyos na “IISA” at “TUNAY.” Wala siyang sinabi o hindi niya ibig sabihin na “ang persona lang ng Ama ang nag-iisa sa pagiging tunay na Diyos.”

Ang “IISA” at “TUNAY” sa John 17:3 ay mga deskripsyon kung ano ang Diyos. Sa paniniwalang Trinitarian, ang Ama ang iisa at tunay na Diyos, si Kristo ang iisa at tunay na Diyos, at ang Espiritu Santo ang iisa at tunay na Diyos. Ang Diyos ay “IISA” at “TUNAY” na kung ano ang tatlong Persona na ito.

Past, Present, Future sa iisang Kasaysayan

Kung gayon, bakit hindi sinabi ni Kristo na “ikaw Ama, Ako at ang Espiritu Santo ang IISA at TUNAY na Diyos”? Kasi sa John 17:3, Ama lang ang binibigyan ng emphasis bilang Diyos. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo.

Halimbawa sa analohiyang ito ng Past, Present, at Future bilang iisang Kasaysayan. Sinabi ni Present kay Past, “ikaw Past, ang IISA at TUNAY na Kasaysayan.” Ibig sabihin ba nu’n, Past lang ang IISA at TUNAY na Kasaysayan? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Present kung ano si Past. Si Past ay “IISA” at “TUNAY” na Kasaysayan tulad ni Present at Future.

Ganu’n din sa John 17:3. “Ikaw Ama, ang IISA at TUNAY na Diyos.” Ibig sabihin ba nu’n, Ama lang ang IISA at TUNAY na Diyos? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Kristo kung ano ang Ama. Ang Ama ay “IISA” at “TUNAY” na Diyos tulad ni Kristo at ng Espiritu Santo.

Isa pang analohiya. Harap, Gitna, at Likod bilang iisang Espasyo. Sinabi ng Gitna sa Harap, “ikaw, Harap, ang IISA at TUNAY na Espasyo.” Ibig sabihin ba nu’n, Harap lang ang IISA at TUNAY na Espasyo. Siyempre hindi. Ganu’n din sa John 17:3.

Mayroon mang tatlong bahagi ang Kasaysayan, ang Past, Present at Future, nananatiling iisa pa rin ang Kasaysayan. Tatlo man ang pwesto ng iisang Espasyo, ang Harap, Gitna, at Likod, nananatiling iisa pa rin ang Espasyo. Ganu’n din ang Diyos. Tatlo man ang kanyang Persona, ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, nananatiling iisa pa rin ang Diyos.

Tanggap ng mga Trinitarian ang John 17:3

Narito ang isang aktwal na simpleng pag-uusap ng isang Iglesia ni Cristo at isang Katoliko sa John 17:3. Red ang sa INC at Blue ang sa Katoliko. Para sa karagdagang detalye, tignan ang “John 17:3 at ang Trinity.” Nasa mambabasa pa rin ang husga kung sino ang nasa tama.

INC: tinatanggap mo ba ang sabi ni Cristo sa Juan 17:1,3 na "Ama.. IKAW ay makilala nilang IISANG TUNAY NA DIYOS." tinatanggap mo ba yan? WALA namang sinabi si Cristo na PATI AKO, tayong tatlo ng Espiritu Santo.. wala nun

KATOLIKO: oo tinatanggap ko. bibliya yan e. bakit may pagtatalo ba? wala naman a. Kaso ang hindi ko tinatanggap, e yung UNAWA mo dyan sa talata.

Bakit kanino ba tumutukoy yung salitang "NATATANGI", dun sa Ama o sa Diyos?

Ano pa e di sa DIYOS

John 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang TANGING DIYOS na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo.

hindi naman sinabi: Ang makilala ka nila, ang tanging Ama na totoo..

ibig sabihin dun ni Hesus totoo at natatangi ang Diyos na kung ano ang Ama. Ibig sabihin, nag-iisa lang ang Diyos. Walang sinabing nag-iisa lang ang Ama sa pagka-Diyos.

INC: TSK2, ano ba ang pagkaintindi mo sa IISANG Dios na tunay? sinabi ni Cristo sa Ama na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY. Sino ba ang ipinakilala ni Cristo na IISANG DIYOS NA TUNAY?

KATOLIKO: e di yung Diyos iisa lang at tunay. Ang Diyos, iisa lang na kung ano ang Ama, Anak, at Espiritu Santo

INC: wala namang sinabi c Cristo na Ako ay makilala nilang IISANG Diyos na tunay. o di kaya'y ang Espiritu Santo ay [iisang] Dios na tunay.