Sunday, July 31, 2011

Eliseo Soriano's lack of logic regarding the expression "Nothing is impossible with God"

Tumututol ang Members of the Church of God International (MCGI) lider na si ginoong Eli Soriano sa paniniwala ng marami na “walang imposible sa Diyos.”

Ayon sa kanya, sabi raw ng biblya na ang Diyos ay may isang bagay na hindi Niya kayang gawin, kung kaya MALI raw ang sabihing “walang imposible sa Kanya.”

“Yet, there is one particular thing than man does very frequently, which cannot be done by God. This is contradictory to the popular belief of many religious groups that, there is nothing impossible with God. There is one thing, which is impossible for God to do. This is written in Hebrew 6:18—

“That by two immutable things, in which it was impossible for God to lie . . .”

It clearly states that, it was impossible for God to lie. Telling a lie is something, which is impossible for God to do. This is also stated in Titus 1:2—

“In hope of eternal life, which God that cannot lie, promised before the world began.”

Ayon daw po sa bibliya, ang pagsisinungaling ay imposible sa Diyos, kaya para kay ginoong Soriano, mali ang sabihing "WALANG" imposible sa Diyos, kasi "MERON" nga naman.

Kaya para sa kanya malaking kasinungalingan ang paniniwala ng marami. Hindi raw ito dapat tanggapin.

“It is impossible for God to lie; He cannot lie. Let us not believe those who say that nothing is impossible with God. That is a deceit meant to mislead you.

Kung titingnan natin mukha nga namang totoo ang sinasabi ni Soriano. Ang pagsisinungaling ay hindi pala kayang gawin ng Diyos.

Karamihan po ng mga Kristyano ay naniniwalang “walang imposible sa Diyos.”

Salungat po si Soriano at ang kanyang samahan dahil meron daw imposible sa Kanya.

Ngayon ay sino ang nagsasabi ng totoo, ang karamihan ba ng mga Kristiyano o ang kanilang samahan? At bakit nga ba nasabing walang imposible sa Diyos? Sino ang kapani-paniwala? Wala nga bang imposible sa Kanya o meron?

Sa totoo lang ay hindi na natin kailangan pang pag-isipan pa ng malaliman ang sinabi ni ginoong Soriano na “MERON” daw imposible sa Diyos. Kailangan lang natin siyang tanungin, paano niya ngayon ipaliliwanag ang sinasabi ng bibliya na walang imposible sa Diyos?

Luke 1:37 "For nothing is impossible with God" (NIV)

Lucas 1:37"Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari (Ang Salita ng Diyos)

Malinaw na sinasabi ng bibliya na "sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari" "nothing is impossible with God". Ang pagsabi na "walang imposible sa Diyos" ay katumbas ng pagsasabi na "lahat ng bagay ay kaya Niyang gawin" o "lahat ng bagay ay posible sa Kanya" (Mt 19:26, Mk 10:27, Lk 18:27). Ngayon ay hindi ko alam kung saan pinulot ng pastor na ito ang kanyang konklusyon na "MERON" daw imposible sa Diyos at niyaya pa niya ang mga mambabasa na wag daw paniwalaan ang mga nagsasabing "nothing is impossible with God" kasi nga "[t]hat is a deceit meant to mislead you". Siguro nga tama lang talaga si ginoong Soriano at mali ang biblya.

Muli ay ilagay natin ang mga talatang pinagkuhanan ni Soriano ng kanyang konklusyon kaya niya nasabing may isang bagay ang imposible sa Diyos at iyon ay ang pagsisinungaling.

Hebreo 6:18 "Sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi kailanman nagbabago, hindi maaari para sa Diyos ang magsinungaling sa pamamagitan ng dalawang bagay na iyon. Ginawa niya ito upang tayo ay magkaroon ng matibay na kalakasan ng loob, na mga lumapit sa kaniya upang manangan sa pag-asang inilagay niya sa harapan natin"

Titus 1:2 "Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon" (Ang Salita ng Diyos)

Una sa lahat walang sinabi sa parehong talata na ang pagsisinungaling ay isang bagay o "something" o "one thing" o "a thing.” Sinasabi lamang nila na ang Diyos ay hindi makapagsisinungaling.

Sa Hebreo 6:18 ang "dalawang bagay" ay hindi tumutukoy sa pagsisinungaling, kung ‘di tumutukoy lamang ito sa "sumpa" at "pangako." Kung babasahin natin ang dalawang naunang talata kasama ang verse 18,

Hebreo 6:16-18 "Sapagkat sumusumpa ang mga tao sa sinumang nakakahigit. At ang sumpa ang siyang nagpapatibay sa mga sinabi nila at nagbibigay wakas sa bawat pagtatalo. Gayundin lalong higit na ninais ng Diyos na ipakita nang may kasaganaan ang hindi pagkabago ng kaniyang layunin sa mga tagapagmana ng pangako. Ito ay kaniyang pinagtibay sa pamamagitan ng isang sumpa. Sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi kailanman nagbabago, hindi maaari para sa Diyos ang magsinungaling sa pamamagitan ng dalawang bagay na iyon. Ginawa niya ito upang tayo ay magkaroon ng matibay na kalakasan ng loob, na mga lumapit sa kaniya upang manangan sa pag-asang inilagay niya sa harapan natin"

Ibig sabihin, dahil sa “sumpa” at “pangako,” hindi maaaring makapagsinungaling ang Diyos. Pero walang sinabing ang pagsisinungaling ay isang bagay o "one thing", na konklusyon naman ni ginoong Eli.

Ganoon din sa Titus 1:2. Walang sinabi roon na ang pagsisinungaling ay isang bagay (one thing/a thing) na hindi kayang gawin ng Diyos. Sinabi lamang na ang Diyos ay hindi makakapagsinungaling.

Muli ay i-poste natin ang paliwanag ni Soriano tungkol sa mga talatang ito:

These were all made by a very powerful God. Yet, there is one particular thing tha[t] man does very frequently, which cannot be done by God. This is contradictory to the popular belief of many religious groups that, there is nothing impossible with God. There is one thing, which is impossible for God to do. This is written in Hebrew 6:18—

Kung hindi sinabi sa dalawang talata na ang pagsisinungaling ay isang bagay, samakatwid mali na ang konklusyon ni Soriano na “may isang bagay ang Diyos na hindi Niya kayang gawin.”

ANG PAGSISINUNGALING PARA SA DIYOS AY "NOTHING", HINDI “SOMETHING"

Kapag ang isang bagay ay kontradiksyon, ito ay hindi pwedeng mangyari, samakatwid, imposible. At dahil imposible, ito ay hindi mag-e-eksistido, samakatwid ito'y wala, "nothing."

Halimbawa, kontradiksyon ang tatsulok na may apat na sulok. Ang tatsulok ay may tatlong sulok lamang, kaya kung gagawing apat ay hindi na ito tatsulok. Samakatwid, ito ay imposibleng mangyari, kung kaya hindi mag-e-eksistido ang tatsulok na may apat na sulok. Ang tatsulok na may apat na sulok samakatwid ay wala, ito'y "nothing" o "there is no such thing as a triangle with four sides".

Hindi rin mag-e-eksistido ang "basang apoy" o "nasusunog na tubig", dahil ang apoy at tubig ay kontradiksyon. Hindi pwedeng mangyari ang bagay na iyon, hindi iyon mag-e-eksistido. There is no such thing as "wet fire" or "burning water."

Hindi rin pwede ang “parisukat na hugis bilog” o "square circle", dahil kontradiksyon ang hugis ng bilog sa parisukat. There is no such thing as "square circle". It does and it will not exist.

Sa kaso ng Diyos, hindi nga naman Siya pwedeng magsinungaling. Ang Diyos ay katotohanan (Jn 4:24,1 Jn 4:6). Ngayon ang katotohanan ay hindi pwedeng magsinungaling. Kontradiksyon ang sabihing ang katotohanan ay nagsisinungaling. Hindi na magiging Diyos ang Diyos kung Siya ay magsisinungaling. At dahil nga kontradiksyon, ang pagsisinungaling para sa Diyos ay imposible. At nabanggit na kanina na ang imposible ay hindi mag-e-eksistido, samakatwid ito'y "wala" "nothing." Kung kaya ang pagsisinungaling para sa Diyos ay hindi "something" o "isang bagay" kung ‘di "WALA" o "NOTHING." To tell a lie is "NOTHING" for God, not "SOMETHING."

Dagdag pa rito, ang pagsisinungaling ay isang kasalanan. Ito ay nagpapakita ng ating kakulangan bilang tao, na tayo ay makasalanan, na tayo ay imperpekto. At dahil ang Diyos ay perpekto, hindi Siya pwedeng gumawa ng isang bagay na nagpapakita ng pagkukulang o ng pagiging imperpekto.


KONKLUSYON

Walang imposible sa Diyos, kahit na hindi Niya magagawang magsinungaling. Hindi mo pwedeng sabihin "merong imposible sa Kanya at iyon ay ang pagsisinungaling," dahil ang pagsisinungaling para sa Diyos ay "wala" o "nothing" hindi "meron" o "something" o "a particular thing." Kapag sinabi kasing "meron" ito ay isang bagay na nag-e-eksistido. Samakatwid ang pagsisinungaling ay hindi kabilang sa lahat ng bagay na kaya Niyang gawin, sapagkat ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay na nag-e-eksistido, hindi yung mga "kontradiksyon" o hindi nag-e-eksistido o "wala" o "nothing."

Sa isang simpleng lohika:

Nothing is impossible with God
telling a lie is nothing for Him (not something)
therefore telling a lie is impossible with God

Ngayon ay nasa mambabasa ang paghuhusga kung sino ang may mas malinaw na intindi sa kung meron bang imposible sa ating iisang Diyos na sinasamba at kung sino ang nang-aakit lamang para ang milyong-milyong kaluluwa ay malagay sa isang "deceit meant to mislead you."

References:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Dating_Daan
http://www.angdatingdaan.org/biblicaltopics/bib_issues_13.htm