Sunday, October 16, 2011

John 17:3 at ang Trinity

Iglesia ni Cristo (INC): tinatanggap mo ba ang sabi ni Cristo sa Juan 17:1,3 na "Ama.. IKAW ay makilala nilang IISANG TUNAY NA DIYOS." tinatanggap mo ba yan? WALA namang sinabi si Cristo na PATI AKO, tayong tatlo ng Espiritu Santo.. wala nun


KATOLIKO: oo tinatanggap ko. bibliya yan e. bakit may pagtatalo ba? wala naman a. Kaso ang hindi ko tinatanggap, e yung UNAWA mo dyan sa talata.


Bakit kanino ba tumutukoy yung salitang "NATATANGI", dun sa Ama o sa Diyos?

Ano pa e di sa DIYOS

John 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang TANGING DIYOS na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo.

hindi naman sinabi: Ang makilala ka nila, ang tanging Ama na totoo..


ibig sabihin dun ni Hesus totoo at natatangi ang Diyos na kung ano ang Ama. Ibig sabihin, nag-iisa lang ang Diyos. Walang sinabing nag-iisa lang ang Ama sa pagka-Diyos.


INC: TSK2, ano ba ang pagkaintindi mo sa IISANG Dios na tunay? sinabi ni Cristo sa Ama na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY. Sino ba ang ipinakilala ni Cristo na IISANG DIYOS NA TUNAY?


KATOLIKO: e di yung Diyos iisa lang at tunay. Ang Diyos, iisa lang na kung ano ang Ama, Anak, at Espiritu Santo


INC: wala namang sinabi c Cristo na Ako ay makilala nilang IISANG Diyos na tunay. o di kaya'y ang Espiritu Santo ay iiang Dios na tunay.


KATOLIKO: oo nga, kasi nga ipinakikilala nya ang Ama bilang Diyos. Wala naman sinabi si Hesus na tinanggi niya pagka-Diyos nya dun e


INC: Sino nga ang Diyos na IISA AT TUNAY kasi binanggit dun ni Cristo ehh.. ang tinutukoy ng salitang IKAW... sino ba yun?


KATOLIKO: e di yung Ama. kasimple e. Kaso lang hindi yan ang tanong. Ang tanong, yung IISA at TUNAY ba, para sa Diyos o para sa Ama?


INC: may binaggit ba si Cristo na pati Siya ay IISANG DIYOS NA TUNAY?


KATOLIKO: wala, kasi nga ang Ama ang ine-empahsize ng talata hindi Siya. Oo walang binanggit dun na si Kristo ay iisang Diyos na tunay, pero sa ibang talata meron.


INC: ayun.. para sa Ama ang IISANG DIYOS NA TUNAY kaya nga sinabi ni Cristo IKAW (AMA) ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY kasi IISA lang ang Ama na Siyang Diyos na TUNAY.


KATOLIKO: ngak. san sinabi: "ikaw, ang nag-iisang Ama lamang, ay Diyos na tunay?"

di mo kasi gets, yung IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, yun ang katangian ng Diyos na kung [ano ang] Ama, kung ano ang Anak, at ano ang HS


INC: himayin natin, yun bang Cristo na nagsalita ay iba sa Diyos (AMA) na kinakausap Niya? Anong talata ba ang may binanggit na TUNAY NA DIYOS SI CRISTO.


KATOLIKO: si Kristo ay kapareho sa pagka Diyos ng Ama. Iba lang Siya sa Ama.


INC: hahaha.. ang labo. pareho sa pagka Diyos sa Ama pero IBA sa Ama? ipaliwanag mo nga yan..


KATOLIKO: ipinaliwanag ko na yan.

Yung Ama Anak Espiritu Santo mga persona ng Diyos yon.

Diyos= 1 being = 3 persons

yung persona ni Kristo iba sa persona ng Ama. pero iisa pa rin silang Diyos


INC: ano, HINDI YUN TUMUTUKOY SA AMA? uulitin ko, sino ba ang tinutukoy na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY? sino?


KATOLIKO: di pa rin gets. eto

yung "IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY" tumutukoy yun sa Ama

pero yung salitang IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama


INC: simple arithmetic, pang grade 1.. 1Diyos Ama+ 1Diyos Anak+ 1DiyosHS= ???

anong talata mababsa na iisang Diyos lagn si Cristo at ang Ama?


KATOLIKO: o e diba pinaliwanag ko na yan. problema niyo yang mga inc.

Kasi nga sa palagay nyo, 1 being= 1 person

sa palagay nyo lang iyon. kaya di nyo magets ang trinity, kasi meron kayong ipinagpapalagay

Diyos namin hindi namin iniintindi sa pamamagitan ng arithmetic. kinikilala namin siya at yun na ang matagal na pagkakakilanlan sa Kanya. Trinitarian.

kayo ano ba ang Diyos niyo? ina aritmetic aritmetic lang ba yang Diyos niyo na yan?


INC: ahahaha... sino ba ang IISANG DIYOS NA TUNAY?


KATOLIKO: e di yung Ama, Anak, at Espiritu Santo


INC: talaga namang magkaiba yun, nung nagsalita c Cristo narito Siya sa lupa, ang Ama naman nandun sa langit. Paanong hindi magkaiba yan?

hindi talaga magets kac kahit mga papa ninyo aminadong mismo cla ay hindi maintindihan yang aral ninyo. ang sabi sa isa ninyong aklat maiintindihan lang daw ang trinidad kung ang DIYOS saw MISMO ang magpakita.. owwws, ehh hindi naman nakikita ang Diyos ehhh.. hindi talaga yan maiintindihan.


KATOLIKO: oo nga, magkaiba naman talaga e, magkaiba sa Persona, hindi sa pagka-Diyos.

Baka namali ka lang ng UNAWA sa mga sinasabi ng Papa, di ko na problema yun. It's your ministers' problem


INC: saan mo mababasa na ang IISANG TUNAY NA DIYOS ay ang AMA, ANAK, AT HS.?


KATOLIKO: ah, hiwa hiwalay yan brad. Eto yan e:

walang pagtatalo na Diyos ang Ama,

pero sa ibang talata Diyos si Kristo

sa ibang talata Diyos rin ang Espiritu Santo

pero iisa pa rin ang Diyos.

ano resulta? tinuturo ng bibliya ang Trinitarian


INC: yun talaga ang sabi ng papa. kahit daw ang pinakabanal na Santo ay hindi makakagpaliwanag diyan..


KATOLIKO: as i've said, it's a problem with your and your ministers' preaching.


INC: imbento nyo lang kasi ang doktrinang yan. granting na walang mababasa letra por letra na ang Diyos ay may 3 persona, anong talata ba ang naging batayan ninyo sa doktrinang yan?


KATOLIKO: wow wow wow at kami pa ang nag-imbento ha. nako bago pa dumating si Felix Manalo, may mga naniniwala nang hindi Diyos si Kristo, sila yung mga napahiwalay sa tunay na Iglesia. Ang tunay na Iglesia kasi Trinitarian


INC: bigyan mo ako ng mga talata na magpapatunay na 3 persona ang Diyos? ang Diyos walang kamatayan, c Cristo namatay. c Cristo at ang HS ang pawang isinugo lamang ng Ama. isa pa, 7 ang Espiritu Santo kaya dapat sana Nonidad ang doktrina ninyo, hindi Trinidad.


KATOLIKO: kung ipinakilala ng bibliya na si Kristo Diyos, kaso iba siya sa Ama, e di dalawa na agad Persona ng Diyos. Hindi dumoble pagka-Diyos nya ok, yung Persona lang.

hindi na kailangan basahin letra por letra yung pormula ng trinity. Basta ang sabi sa bibliya, ang Ama Diyos, si Kristo Diyos, ang Espiritu Santo Diyos. tapos usapan bro.


INC: yun nga, hindi kailangan letra por letra pero wala namang mababsa sa biblia na Espiritu santo ay Diyos. yung patungkol kay Cristo na Diyos daw c Cristo, maling pagkaunawa lang ng talata yun.


KATOLIKO: pag-isipan mo muna lahat ng napag-usapan natin. Sige may klase pa ako. Balikan kita.


INC: hindi ko talga maintindihan.. ok,

magbigay ka ng talata na magiging basehan mo na may trinidad..


KATOLIKO: uo maghintay ka at babalikan kita.

Ama lang ang persona ng Diyos ayon sa John 17:3?

Sa Iglesia ni Cristo o INC, naniniwala silang Ama lang ang nag-iisang persona ng Diyos. Hindi nila kinikilala bilang ikalawa at ikatlong persona ng Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo, samakatuwid, hindi sila Diyos na kapantay ng Ama (hindi rin nila ginagamit ang salitang “Persona,” wala iyon sa bokabularyo ng kanilang paniniwala). John 17:3 ang kanilang batayan: “Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

“Dahil iisa lang ang Ama at iisa lang ang Diyos na tunay, ibig sabihin Ama lang ang Diyos! Hindi sinabi diyan na ‘ikaw Ama at Ako at ang Espirtu Santo ang iisa at tunay na Diyos!’,” ganu’n ang pagdadahilan ng INC ayon sa John 17:3.

Iisa at tunay na Diyos

Ngunit pansining mabuti ang talata. Ang sinabi ni Kristo, “ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos…” Hindi niya sinabing “nag-iisa ka lang Ama, ang tunay na Diyos,” na siyang gustong palabasin ng INC. Ano ang ibig sabihin nito?

Sa sinabi ni Kristo na “ang makilala ka nila [Ama], ang iisa at tunay na Diyos,” ang mga salitang “IISA” at “TUNAY” ay tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, ipinakikilala lamang ni Kristo ang persona ng Ama bilang Diyos na “IISA” at “TUNAY.” Wala siyang sinabi o hindi niya ibig sabihin na “ang persona lang ng Ama ang nag-iisa sa pagiging tunay na Diyos.”

Ang “IISA” at “TUNAY” sa John 17:3 ay mga deskripsyon kung ano ang Diyos. Sa paniniwalang Trinitarian, ang Ama ang iisa at tunay na Diyos, si Kristo ang iisa at tunay na Diyos, at ang Espiritu Santo ang iisa at tunay na Diyos. Ang Diyos ay “IISA” at “TUNAY” na kung ano ang tatlong Persona na ito.

Past, Present, Future sa iisang Kasaysayan

Kung gayon, bakit hindi sinabi ni Kristo na “ikaw Ama, Ako at ang Espiritu Santo ang IISA at TUNAY na Diyos”? Kasi sa John 17:3, Ama lang ang binibigyan ng emphasis bilang Diyos. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na Diyos si Kristo at ang Espiritu Santo.

Halimbawa sa analohiyang ito ng Past, Present, at Future bilang iisang Kasaysayan. Sinabi ni Present kay Past, “ikaw Past, ang IISA at TUNAY na Kasaysayan.” Ibig sabihin ba nu’n, Past lang ang IISA at TUNAY na Kasaysayan? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Present kung ano si Past. Si Past ay “IISA” at “TUNAY” na Kasaysayan tulad ni Present at Future.

Ganu’n din sa John 17:3. “Ikaw Ama, ang IISA at TUNAY na Diyos.” Ibig sabihin ba nu’n, Ama lang ang IISA at TUNAY na Diyos? Siyempre hindi. Ipinakikilala lang ni Kristo kung ano ang Ama. Ang Ama ay “IISA” at “TUNAY” na Diyos tulad ni Kristo at ng Espiritu Santo.

Isa pang analohiya. Harap, Gitna, at Likod bilang iisang Espasyo. Sinabi ng Gitna sa Harap, “ikaw, Harap, ang IISA at TUNAY na Espasyo.” Ibig sabihin ba nu’n, Harap lang ang IISA at TUNAY na Espasyo. Siyempre hindi. Ganu’n din sa John 17:3.

Mayroon mang tatlong bahagi ang Kasaysayan, ang Past, Present at Future, nananatiling iisa pa rin ang Kasaysayan. Tatlo man ang pwesto ng iisang Espasyo, ang Harap, Gitna, at Likod, nananatiling iisa pa rin ang Espasyo. Ganu’n din ang Diyos. Tatlo man ang kanyang Persona, ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, nananatiling iisa pa rin ang Diyos.

Tanggap ng mga Trinitarian ang John 17:3

Narito ang isang aktwal na simpleng pag-uusap ng isang Iglesia ni Cristo at isang Katoliko sa John 17:3. Red ang sa INC at Blue ang sa Katoliko. Para sa karagdagang detalye, tignan ang “John 17:3 at ang Trinity.” Nasa mambabasa pa rin ang husga kung sino ang nasa tama.

INC: tinatanggap mo ba ang sabi ni Cristo sa Juan 17:1,3 na "Ama.. IKAW ay makilala nilang IISANG TUNAY NA DIYOS." tinatanggap mo ba yan? WALA namang sinabi si Cristo na PATI AKO, tayong tatlo ng Espiritu Santo.. wala nun

KATOLIKO: oo tinatanggap ko. bibliya yan e. bakit may pagtatalo ba? wala naman a. Kaso ang hindi ko tinatanggap, e yung UNAWA mo dyan sa talata.

Bakit kanino ba tumutukoy yung salitang "NATATANGI", dun sa Ama o sa Diyos?

Ano pa e di sa DIYOS

John 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang TANGING DIYOS na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo.

hindi naman sinabi: Ang makilala ka nila, ang tanging Ama na totoo..

ibig sabihin dun ni Hesus totoo at natatangi ang Diyos na kung ano ang Ama. Ibig sabihin, nag-iisa lang ang Diyos. Walang sinabing nag-iisa lang ang Ama sa pagka-Diyos.

INC: TSK2, ano ba ang pagkaintindi mo sa IISANG Dios na tunay? sinabi ni Cristo sa Ama na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY. Sino ba ang ipinakilala ni Cristo na IISANG DIYOS NA TUNAY?

KATOLIKO: e di yung Diyos iisa lang at tunay. Ang Diyos, iisa lang na kung ano ang Ama, Anak, at Espiritu Santo

INC: wala namang sinabi c Cristo na Ako ay makilala nilang IISANG Diyos na tunay. o di kaya'y ang Espiritu Santo ay [iisang] Dios na tunay.


KATOLIKO: oo nga, kasi nga ipinakikilala nya ang Ama bilang Diyos. Wala naman sinabi si Hesus na tinanggi niya pagka-Diyos nya dun e


INC: Sino nga ang Diyos na IISA AT TUNAY kasi binanggit dun ni Cristo ehh.. ang tinutukoy ng salitang IKAW... sino ba yun?


KATOLIKO: e di yung Ama. kasimple e. Kaso lang hindi yan ang tanong. Ang tanong, yung IISA at TUNAY ba, para sa Diyos o para sa Ama?


INC: may binaggit ba si Cristo na pati Siya ay IISANG DIYOS NA TUNAY?


KATOLIKO: wala, kasi nga ang Ama ang ine-empahsize ng talata hindi Siya. Oo walang binanggit dun na si Kristo ay iisang Diyos na tunay, pero sa ibang talata meron.


INC: ayun.. para sa Ama ang IISANG DIYOS NA TUNAY kaya nga sinabi ni Cristo IKAW (AMA) ay makilala nilang IISANG DIYOS NA TUNAY kasi IISA lang ang Ama na Siyang Diyos na TUNAY.


KATOLIKO: ngak. san sinabi: "ikaw, ang nag-iisang Ama lamang, ay Diyos na tunay?"

di mo kasi gets, yung IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama. Ibig sabihin, yun ang katangian ng Diyos na kung [ano ang] Ama, kung ano ang Anak, at ano ang HS


INC: himayin natin, yun bang Cristo na nagsalita ay iba sa Diyos (AMA) na kinakausap Niya? Anong talata ba ang may binanggit na TUNAY NA DIYOS SI CRISTO.


KATOLIKO: si Kristo ay kapareho sa pagka Diyos ng Ama. Iba lang Siya sa Ama.


INC: hahaha.. ang labo. pareho sa pagka Diyos sa Ama pero IBA sa Ama? ipaliwanag mo nga yan..


KATOLIKO: ipinaliwanag ko na yan.

Yung Ama Anak Espiritu Santo mga persona ng Diyos yon.

Diyos= 1 being = 3 persons

yung persona ni Kristo iba sa persona ng Ama. pero iisa pa rin silang Diyos


INC: ano, HINDI YUN TUMUTUKOY SA AMA? uulitin ko, sino ba ang tinutukoy na IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY? sino?


KATOLIKO: di pa rin gets. eto

yung "IKAW ay makilala nilang IISANG DIYOS na TUNAY" tumutukoy yun sa Ama

pero yung salitang IISA at TUNAY, tumutukoy sa Diyos, hindi sa Ama


INC: simple arithmetic, pang grade 1.. 1Diyos Ama+ 1Diyos Anak+ 1DiyosHS= ???

anong talata mababsa na iisang Diyos lagn si Cristo at ang Ama?


KATOLIKO: o e diba pinaliwanag ko na yan. problema niyo yang mga inc.

Kasi nga sa palagay nyo, 1 being= 1 person

sa palagay nyo lang iyon. kaya di nyo magets ang trinity, kasi meron kayong ipinagpapalagay

Diyos namin hindi namin iniintindi sa pamamagitan ng arithmetic. kinikilala namin siya at yun na ang matagal na pagkakakilanlan sa Kanya. Trinitarian.

kayo ano ba ang Diyos niyo? ina aritmetic aritmetic lang ba yang Diyos niyo na yan?


INC: ahahaha... sino ba ang IISANG DIYOS NA TUNAY?


KATOLIKO: e di yung Ama, Anak, at Espiritu Santo

Wednesday, August 3, 2011

An Ang Dating Daan member confuses the Filipino usage of the term "idol" with its biblical meaning

Nililito po ng isang miyembro ng ADD yung paggamit ng mga Filipino ng salitang "idol" at yung biblikal na meaning ng "idol" habang nagbabasa ako sa fan page ng Ang Dating Daan sa Facebook.

Sa page kasi ay may nagcomment din at sinabihan ang ADD lider na si Eli Soriano na “idol” daw niya. Sabi niya:
“itanong mo. biblia ang sasagot... by bro eli soriano.. idol.”
Tapos bigla ba namang magkomento yung wirdong ADD nang ganito:
masama po yang mag-idolize ka ng tao... magagalit po sau niyan si Bro. Eli... ang gusto ni Bro. Eli ay ang Aral at Si Cristo at ang Ama ang siyang dapat mong hangaan at hindi siya dahil wala naman siyang kwenta kung di [sya] gagamitin ng Dios para mangaral ng dalisay na aral ng Panginoon... But then, [just] continue to listen to what he is preaching and study them... and verify in the Bible... Salamat sa Dios...
tapos niyan e humingi ng paumanhin yung uma-“idolize” kay Eli Soriano:
“sorry po.. di ko naman po sya sinasamba.. natutuwa lang po ako sa mga magagandang gawa nya at ng kapatiran... un lang po salamat po sa dios..”
Pero humirit na naman yung wirdong ADD:
“Ah ok po... and term po kasi na IDOL sa Filipino ay dios-diosan at ang IDOLIZE ay dinidios ang kanulugan... oo tama un tol na di dapat sambahin kahit sino kundi ang Dios Ama at ang Cristo lang po... makinig ka po ng DOCTRINA sa Church of God upang madagdagan ang kaalaman mo at mapalit ka sa Dios ng Isarel... LIBRE naman un... if kapatid ka na. salamat sa Dios kung ganun...”


Una sa lahat, ang term na IDOL na tumutukoy sa mga dios-diosan ay isang “biblical” term, hindi isang Filipino term. Kailan pa na ang paggamit ng mga Filipino sa salitang “IDOL ay dios-diosan” ang ibig sabihin?


Sa Filipino, ‘pag sinabi mong “idol” mo ang isang tao, ikaw ay humahanga sa kanya, pupwedeng dahil sa kanyang hitsura, talento, o kakayahan. Hindi ibig sabihin na “idol” mo siya ay sinasamba mo na siya bilang Diyos. ‘Yun ang gamit ng salitang “idol” sa Filipino.


Mali ba ang sabihing “IDOL ko si Manny Paquiao”? Hindi naman ah. Ibig sabihin lamang ‘nun, hinahangaan ko siya dahil siya ang “pound-for-pound king” ng boksing!


Sa pangungusap ko ba na iyon, ibig sabihin ko ba, pinalitan ko na ang Diyos at si Manny Paquiao ang ipinalit ko? Hindi naman ah!


Pero para dito sa ADD member na ito e mali raw 'yun.


Parang ganito ang sinasabi ng ADD e, “hindi mo pupwedeng “i-idol” ang mga artista, o kahit mga atleta o kahit na sinong tao, dahil Dios Ama at ang Cristo lang dapat.”


'Yan po ang tinatawag na "fallacy of equivocation" kung saan nililito mo ang pagkakagamit ng isang termino na may maraming kahulugan.

Dapat po kasi inuunawa muna 'yung kunteksto kung paano ba ginamit ng kausap mo yung terminong winika niya.

Dati tinanong ko yung Philosphy professor ko "If love is blind and God is love, does that mean that God is blind?"

Sagot niya naman "That is a fallacy commonly used by other philosophers. They are equivocating. As for your question, in the first premise (love is blind), the term "love" is used as an emotion. However in the second premise (God is love) you are using "love" to mean a Person, not an emotion. You should be using only a single meaning of term in order for 'God is blind' to be correct."

Karagdagan pa niyang sinabi "It is just like saying, 'Math is a piece of cake. But I'm diabetic with a piece of cake. Therefore studying math is diabetic.' "

Tama nga naman. Dapat malinaw sa'yo kung paano ginagamit ng kausap mo yung "word" o "term" na binanggit nya para wala kayong lituhan.

Kasi po sa halimbawa ng ADD member na ito, pareho po silang nalilito sa mga pinag-uusapan nila.

I encourage them to be more familiar with the fallacy of equivocation. Dahil hindi po iyan uubra pag katotohanan na ang pinag-usapan.

Sunday, July 31, 2011

Eliseo Soriano's lack of logic regarding the expression "Nothing is impossible with God"

Tumututol ang Members of the Church of God International (MCGI) lider na si ginoong Eli Soriano sa paniniwala ng marami na “walang imposible sa Diyos.”

Ayon sa kanya, sabi raw ng biblya na ang Diyos ay may isang bagay na hindi Niya kayang gawin, kung kaya MALI raw ang sabihing “walang imposible sa Kanya.”

“Yet, there is one particular thing than man does very frequently, which cannot be done by God. This is contradictory to the popular belief of many religious groups that, there is nothing impossible with God. There is one thing, which is impossible for God to do. This is written in Hebrew 6:18—

“That by two immutable things, in which it was impossible for God to lie . . .”

It clearly states that, it was impossible for God to lie. Telling a lie is something, which is impossible for God to do. This is also stated in Titus 1:2—

“In hope of eternal life, which God that cannot lie, promised before the world began.”

Ayon daw po sa bibliya, ang pagsisinungaling ay imposible sa Diyos, kaya para kay ginoong Soriano, mali ang sabihing "WALANG" imposible sa Diyos, kasi "MERON" nga naman.

Kaya para sa kanya malaking kasinungalingan ang paniniwala ng marami. Hindi raw ito dapat tanggapin.

“It is impossible for God to lie; He cannot lie. Let us not believe those who say that nothing is impossible with God. That is a deceit meant to mislead you.

Kung titingnan natin mukha nga namang totoo ang sinasabi ni Soriano. Ang pagsisinungaling ay hindi pala kayang gawin ng Diyos.

Karamihan po ng mga Kristyano ay naniniwalang “walang imposible sa Diyos.”

Salungat po si Soriano at ang kanyang samahan dahil meron daw imposible sa Kanya.

Ngayon ay sino ang nagsasabi ng totoo, ang karamihan ba ng mga Kristiyano o ang kanilang samahan? At bakit nga ba nasabing walang imposible sa Diyos? Sino ang kapani-paniwala? Wala nga bang imposible sa Kanya o meron?

Sa totoo lang ay hindi na natin kailangan pang pag-isipan pa ng malaliman ang sinabi ni ginoong Soriano na “MERON” daw imposible sa Diyos. Kailangan lang natin siyang tanungin, paano niya ngayon ipaliliwanag ang sinasabi ng bibliya na walang imposible sa Diyos?

Luke 1:37 "For nothing is impossible with God" (NIV)

Lucas 1:37"Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari (Ang Salita ng Diyos)

Malinaw na sinasabi ng bibliya na "sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari" "nothing is impossible with God". Ang pagsabi na "walang imposible sa Diyos" ay katumbas ng pagsasabi na "lahat ng bagay ay kaya Niyang gawin" o "lahat ng bagay ay posible sa Kanya" (Mt 19:26, Mk 10:27, Lk 18:27). Ngayon ay hindi ko alam kung saan pinulot ng pastor na ito ang kanyang konklusyon na "MERON" daw imposible sa Diyos at niyaya pa niya ang mga mambabasa na wag daw paniwalaan ang mga nagsasabing "nothing is impossible with God" kasi nga "[t]hat is a deceit meant to mislead you". Siguro nga tama lang talaga si ginoong Soriano at mali ang biblya.

Muli ay ilagay natin ang mga talatang pinagkuhanan ni Soriano ng kanyang konklusyon kaya niya nasabing may isang bagay ang imposible sa Diyos at iyon ay ang pagsisinungaling.

Hebreo 6:18 "Sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi kailanman nagbabago, hindi maaari para sa Diyos ang magsinungaling sa pamamagitan ng dalawang bagay na iyon. Ginawa niya ito upang tayo ay magkaroon ng matibay na kalakasan ng loob, na mga lumapit sa kaniya upang manangan sa pag-asang inilagay niya sa harapan natin"

Titus 1:2 "Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon" (Ang Salita ng Diyos)

Una sa lahat walang sinabi sa parehong talata na ang pagsisinungaling ay isang bagay o "something" o "one thing" o "a thing.” Sinasabi lamang nila na ang Diyos ay hindi makapagsisinungaling.

Sa Hebreo 6:18 ang "dalawang bagay" ay hindi tumutukoy sa pagsisinungaling, kung ‘di tumutukoy lamang ito sa "sumpa" at "pangako." Kung babasahin natin ang dalawang naunang talata kasama ang verse 18,

Hebreo 6:16-18 "Sapagkat sumusumpa ang mga tao sa sinumang nakakahigit. At ang sumpa ang siyang nagpapatibay sa mga sinabi nila at nagbibigay wakas sa bawat pagtatalo. Gayundin lalong higit na ninais ng Diyos na ipakita nang may kasaganaan ang hindi pagkabago ng kaniyang layunin sa mga tagapagmana ng pangako. Ito ay kaniyang pinagtibay sa pamamagitan ng isang sumpa. Sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi kailanman nagbabago, hindi maaari para sa Diyos ang magsinungaling sa pamamagitan ng dalawang bagay na iyon. Ginawa niya ito upang tayo ay magkaroon ng matibay na kalakasan ng loob, na mga lumapit sa kaniya upang manangan sa pag-asang inilagay niya sa harapan natin"

Ibig sabihin, dahil sa “sumpa” at “pangako,” hindi maaaring makapagsinungaling ang Diyos. Pero walang sinabing ang pagsisinungaling ay isang bagay o "one thing", na konklusyon naman ni ginoong Eli.

Ganoon din sa Titus 1:2. Walang sinabi roon na ang pagsisinungaling ay isang bagay (one thing/a thing) na hindi kayang gawin ng Diyos. Sinabi lamang na ang Diyos ay hindi makakapagsinungaling.

Muli ay i-poste natin ang paliwanag ni Soriano tungkol sa mga talatang ito:

These were all made by a very powerful God. Yet, there is one particular thing tha[t] man does very frequently, which cannot be done by God. This is contradictory to the popular belief of many religious groups that, there is nothing impossible with God. There is one thing, which is impossible for God to do. This is written in Hebrew 6:18—

Kung hindi sinabi sa dalawang talata na ang pagsisinungaling ay isang bagay, samakatwid mali na ang konklusyon ni Soriano na “may isang bagay ang Diyos na hindi Niya kayang gawin.”

ANG PAGSISINUNGALING PARA SA DIYOS AY "NOTHING", HINDI “SOMETHING"

Kapag ang isang bagay ay kontradiksyon, ito ay hindi pwedeng mangyari, samakatwid, imposible. At dahil imposible, ito ay hindi mag-e-eksistido, samakatwid ito'y wala, "nothing."

Halimbawa, kontradiksyon ang tatsulok na may apat na sulok. Ang tatsulok ay may tatlong sulok lamang, kaya kung gagawing apat ay hindi na ito tatsulok. Samakatwid, ito ay imposibleng mangyari, kung kaya hindi mag-e-eksistido ang tatsulok na may apat na sulok. Ang tatsulok na may apat na sulok samakatwid ay wala, ito'y "nothing" o "there is no such thing as a triangle with four sides".

Hindi rin mag-e-eksistido ang "basang apoy" o "nasusunog na tubig", dahil ang apoy at tubig ay kontradiksyon. Hindi pwedeng mangyari ang bagay na iyon, hindi iyon mag-e-eksistido. There is no such thing as "wet fire" or "burning water."

Hindi rin pwede ang “parisukat na hugis bilog” o "square circle", dahil kontradiksyon ang hugis ng bilog sa parisukat. There is no such thing as "square circle". It does and it will not exist.

Sa kaso ng Diyos, hindi nga naman Siya pwedeng magsinungaling. Ang Diyos ay katotohanan (Jn 4:24,1 Jn 4:6). Ngayon ang katotohanan ay hindi pwedeng magsinungaling. Kontradiksyon ang sabihing ang katotohanan ay nagsisinungaling. Hindi na magiging Diyos ang Diyos kung Siya ay magsisinungaling. At dahil nga kontradiksyon, ang pagsisinungaling para sa Diyos ay imposible. At nabanggit na kanina na ang imposible ay hindi mag-e-eksistido, samakatwid ito'y "wala" "nothing." Kung kaya ang pagsisinungaling para sa Diyos ay hindi "something" o "isang bagay" kung ‘di "WALA" o "NOTHING." To tell a lie is "NOTHING" for God, not "SOMETHING."

Dagdag pa rito, ang pagsisinungaling ay isang kasalanan. Ito ay nagpapakita ng ating kakulangan bilang tao, na tayo ay makasalanan, na tayo ay imperpekto. At dahil ang Diyos ay perpekto, hindi Siya pwedeng gumawa ng isang bagay na nagpapakita ng pagkukulang o ng pagiging imperpekto.


KONKLUSYON

Walang imposible sa Diyos, kahit na hindi Niya magagawang magsinungaling. Hindi mo pwedeng sabihin "merong imposible sa Kanya at iyon ay ang pagsisinungaling," dahil ang pagsisinungaling para sa Diyos ay "wala" o "nothing" hindi "meron" o "something" o "a particular thing." Kapag sinabi kasing "meron" ito ay isang bagay na nag-e-eksistido. Samakatwid ang pagsisinungaling ay hindi kabilang sa lahat ng bagay na kaya Niyang gawin, sapagkat ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay na nag-e-eksistido, hindi yung mga "kontradiksyon" o hindi nag-e-eksistido o "wala" o "nothing."

Sa isang simpleng lohika:

Nothing is impossible with God
telling a lie is nothing for Him (not something)
therefore telling a lie is impossible with God

Ngayon ay nasa mambabasa ang paghuhusga kung sino ang may mas malinaw na intindi sa kung meron bang imposible sa ating iisang Diyos na sinasamba at kung sino ang nang-aakit lamang para ang milyong-milyong kaluluwa ay malagay sa isang "deceit meant to mislead you."

References:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Dating_Daan
http://www.angdatingdaan.org/biblicaltopics/bib_issues_13.htm